Alam ito ni Emma Goldman. Binalaan ni Mikhail Bakunin ang lahat tungkol dito kalahating siglo bago ang rebolusyong Ruso. Ang mga beterano ng Black Panther Party at ang Black Liberation Army na si Ashanti Alston at Kuwasi Balagoon ay nakarating sa parehong konklusyon. Walang rebolusyonaryong pamahalaan. Hindi mo magagamit ang mga instrumento ng gobyerno para buwagin ang pang-aapi.
Mula noong kalagitnaan ng ika-19 na siglo, ang mga anarkista ay nananatili sa paninindigan na ang susi para sa pagpapalaya ay hindi ang samsamin ang estado kundi ang buwagin ito. Ngunit mula sa Paris hanggang St. Petersburg, mula Barcelona hanggang Beijing, sunod-sunod na henerasyon ng mga rebolusyonaryo ay kinailangang matutunan ito sa mahirap na paraan. Ang pagpalit ng mga pulitiko papasok at palabas ng kapangyarihan ay may kaunti lang na epekto para sa pagbabago. Ang mahalaga ay ang mga instrumento ng pamumuno—ang pulisya, ang militar, ang mga korte, ang sistemang bilangguan, ang burukrasya. Mapa-hari man, mapa-diktador, o mapa-kongreso ang magdirekta ng mga instrumento na ito, ang karanasan ng mga nakakatanggap nito sa huli ay nanatiling halos parehas lang.
Ito ang nagpapaliwanag kung bakit ang kinalabasan ng rebolusyung Ehipto noong 2011-2013 ay magkahawig sa kinalabasan ng rebolusyung Ruso noong 1917-1921, na nahahawig sa kinalabasan ng rebolusyung Pranses noong 1848-1851. Sa kada kaso, sa sandaling ang mga tao na gumuwa ng rebolusyon ay tumigil na subukang magsagawa ng direktang pagbagong panlipunan at nilipat ang pamumuhunan nila sa kanilang pag-asa papunta sa mga kumakatawang pulitiko, ang kapangyarihan ay napunta sa kamay ng bagong diktaturya. Manggaling man angmga bagong naghahari-hariansa militar, sa aristokrasya, o sa klase ng mga manggagawa, kahit pinangako nila na ibalik ang kaayusang panlipunan o katawanin ang kapangyarihan ng proletariat, ang resulta sa huli ay halos magkaparehas.
Ang pamahalaan mismo ay isang uring panlipunan o social relation. Hindi mo kayang buwagin ang lipunang nakabase sa klase na hindi binubuwag ang hindi pagkakapantay-pantay sa pagitan ng pinuno at pinamumunuan. Ang ekonomika ay isa lamang sa maraming aspeto ng buhay kung saan ang pagkakaiba-iba sa sistemang kapangyarihan ay ipinapataw sa pamamagitan ng pagkakabuo ng panlipunan; isa pa ang pulitika. Ang pribadong pagkamay-ari ng kapital ay sa ekonomika ay kung ano ang kapangyarihang estado sa pulitika.
Si Marx at Lenin ay nakagawa ng malaking kalituan sa pagpangako na ang estado ay puwedeng gamitin para buwagin ang lipunang nakabase sa uri o klase, na pagkatapos niyan ang estado ay mawawala. Sa ibang salita, “ang manggagawa”—na ang ibig-sabihin talaga, ang partido na diumano’y ang kumakatawaan sa kanila, katulad ng ginagawa ng iba pang namumunong partido—ay puwedeng panatilihin ang pulisya, ang militar, ang mga korte, ang sistemang bilangguan, ang burukrasya, at lahat ng iba pang instrumento ng estado, pero ang mga ito ay milagrong maguumpisa na magbigay ng pagkapantay-pantay imbes pang-aapi at pang-aalipusta. Ngayon may tanong: ano ang estado? Higit sa lahat, ito ay ang konsentrasyon ng pagkalehitimong pulitikal sa mga espesipikong institusyon, iba sa mga taong pinamumunuan nila. Ito ay ang pinakakahulugan ng hindi pagkapantay-pantay, dahil binibigyan pribilehiyo ang mga tao na may hawak ng kapangyarihan sa pamamagitan ng mga institusyon na ito sa lahat. Habang ang mga Marxista at mga Leninista ay matagumpay na nakakuha ng kapangyarihan sa dose-dosenang mga rebolusyon, walang kahit isa nito ay nagtagumpay na buwagin ang lipunang hati sa mga naghahari at kanilang mga alipin—at imbes na mawawala, ang estado ay mas lalong naging makapangyarihan at mapanghimasok bilang resulta. Tulad ng sabi ng Sonvilier Circular, “Paano tayo makakaasa na umusbong ang makapantay at malayang lipunan mula sa awtoritaryan na organisasyon?”
Kapag ang mga rebolusyonaryo ay sinubukang alisin ang hindi pagkapantay-pantay ng klase na ginawa ng pribadong pagkamay-ari ng capital sa pagbigay ng kumpletong kontrol ng kapital sa estado, ginagawa lamang nito ang klase na may hawak ng kapangyarihang pampultika bilang bagong klase ng kapitalista. Ang salita para rito ay state-capitalism. Kung saan nakikita mo ang pagkatawan at burukratikong pamamahala, mahahanap mo ang lipunang klase. Ang tunay lang na solusyon para sa hindi pagkapantay-pantay sa ekonomiya at pulitika ay ang buwagin ang mga mekanismo na gumugawa ng pagkakaiba-iba sa kapangyarihan sa una palang–hindi sa paggamit ng mga istrukturang pangestado, kundi sa pagbubuo ng mga pahalang (o horizontal) na kaugnayan para sa ating sama-samang kalayaan at sama-samang pagtanggol na ginagawang imposible ipatupad ang mga pribilehiyo ng kahit sinumang nakakataas sa ekonomiko o pulitika. Ito ang kabaliktaran ng pagsamsam sa kapangyarihan.
Kahit anong uri ng gobyerno ay tutol sa proyekto na ito. Ang unang kondisyon ng kahit anong pamahalaan para makahawak ng kapangyarihan ay kailangan nito makakuha ng monopolyo sa kasangkapang pang-karahasan. Sa paghihirap na makuha itong monopolyong ito, ang mga despotismong pasismo, komunistang pagkadiktadura, at mga demokrasyang liberal ay nagiging magkahawig sa isa’t isa. At para magawa ito, kahit ang tila pinakaradikal na partido ay karaniwang nakikipagsabwatan sa ibang mga manlalaro para sa kapangyarihan. Pinapaliwanag nito kung bakit ang mga Bolshevik ay gumamit ng mga tsaristang opisyal at mga paraan panlaban sa pag-aalsa; pinapaliwanag nito bakit paulit-ulit nilang kinukuha ang panig ng mga maliit na burgesya laban sa mga anarkista, una sa Rusya at sumunod sa Espanya at sa iba pang mga lugar. Binibigay ng kasaysayan ang kasinungalingan sa lumang palusot na ang Bolshevik na panunupil ay kinailangan para mabuwag ang kapitalismo. Ang problema sa Bolshevismo ay hindi sa gumamit sila ng brutal na puwersa para magtulak ng rebolusyonaryong adyenda, kundi sa paggamit nila ng brutal na puwersa para durugin mismo ang rebulusyon.
Hindi partikular na popular na tanggapin ang kahit alinman sa mga ito, nung ang bandila ng Unyong Soviet (USSR) ay naging makulimlim at umuurong na ang tabing na kung saan ang mga tao ay puwedeng isipin ang kahit anong gusto nila. Ang isang henerasyon na lumaki pagkatapos bumagsak ang Unyong Soviet ay ginawang bago ang imposibleng pangarap na masosolusyunan ng estado ang lahat ng problema natin kapag ang mga tamang tao ang namumuno. Ang mga tagapagtanggol para kay Lenin at Stalin ay gumuguwa ng eksaktong parehas na mga palusot para sakanila na naririnig natin sa mga tagataguyod ng kapitalismo, tinuturo ang mga paraan kung saan ang mga mamimili ay nakapakinabang sa ilalim ng paghahari o nangangatwiran na ang milyon-milyong pinagsamantala nila, kinulong, at pinatay ay karapat-dapat lang sakanila.
Kahit sa anong kaso, ang pagbalik sa sosyalismong maka-estado (state-socialism) ng ika-20 na siglo ay imposible. Tulad ng sabi ng lumang biro ng Eastern Bloc, ang sosyalismo ay ang masakit na transisyon sa pagitan ng kapitalismo at kapitalismo. Sa ganitong pananaw, nakikita natin ang pansamantalang pagbangon ng sosyalismo sa ika-20 na siglo ay hindi ang katapusan ng kasaysayan ng mundo na hinulaan ni Marx, kundi ang yugto ng pag-unlad at pagkalat ng kapitalismo. “Ang totoong mayroon na sosyalismo” ay nagsilbi sa industriyalisasyon ng pagkatapos ng mga pyudal na ekonomiya para sa pamilihan ng mundo; napapirmi nito ang mga hindi makapaling mga trabahador sa pamamagitan ng transisyon na ito sa parehong paraan na ginawa ng kompromisong Fordista (Fordist comprimise) sa Kanluran. Ang sosyalismong maka-estado at Fordismo ay parehong pagsasakatawan ng pansamantalang pagkabati sa pagitan ng mga manggagawa at kapital na ginawang imposible ng globalisasyong neoliberal.
Nilalamon na ngayong ng naghaharing pandaigdigang kapitalismo ang mga huling isla ng sosyalismo demokratiko (social democracy), tulad ng Sweden at Pransya. Kung saan may makakaliwang partido na nakakuha ng kapangyarihan sa pamamagitan ng pagpangako na irereporma ang kapitalismo, tuluyan na silang napilitan na magtatag ng neoliberal na adyenda kasama na ang mga hakbang pangpahigpit at panunupil. Samakatuwid, ang kanilang pagbangon sa kapangyarihan ay inubos ang buwelo ng mga kilusang pangordinaryong tao habang pinagana ang mga reaksyunaryong kanan na pulitika na magpanggap bilang mga rebelde para magamit ang popular na pagkabalisa. Itong kuwento na ito ay naulit sa Brasil sa pamamagitan ng Partidong Pangmanggagawa (Partido dos Trabalhadores), sa Gresya sa pamamagitan kay Syriza, sa Nikaragwa sa pamamagitan ng administrasyon ni Ortega.
Ang ibang modelo lang para sa “rebolusyonaryong” gobyerno ay ang walang hiyang estadong kapitalismo na kinakatawan ng Tsina, kung saan ang mga nakakataas ay nagiipon ng kayamanan mula sa kapahamakan ng mga trabahador katulad ng kawalang-hiyaan na ginagawa rin nila doon sa Estados Unidos. Tulad ng USSR bago nito, ang Tsina ay ikunumpira na ang administrasyon ng estado sa ekonomiya ay hindi hakbang papuntang pagkapantay-pantay.
Ang kinabukasan ay maaring mayroong neoliberal na kahirapang pangekonomiya, mga lugar na nasyonalista, mga mapagutos na totalitaryang ekonomiya, o ang anarkistang pagbuwag sa legal na pag-aari mismo—maaaring kasama lahat iyan—pero magiging mas mahirap na panatalihin ang ilusyon na kahit anong pamahalaan ay makakapagsolusyon sa mga problema ng kapitalismo para sa kahit sino maliban sa kaunting mga may pribilehiyo. Ang mga pasista at ang ibang mga nasyonalista ay sabik na samantalahin ang pagkadismaya na ito para isulong ang kanilang sariling klase ng mapagbukod na sosyalismo; hindi dapat natin ipakinis ang daan para sa kanila sa pamamagitan ng pagbigay ng tiwala sa ideya na ang estado ay puwedeng maglingkod para sa mga manggagawa kung maayos lang ang pangangasiwa.
May mga nagsabi na kailangan natin itigil ang mga hidwaan na may tagapagtaguyod ng awtoritaryang komunismo para makapokus sa mga mas agarang panganib tulad ng pasismo. Ngunit ang laganap na takot sa totalitaryanismong kaliwa ay nakapagbigay ng mga punong punto ng usapan ng mga pasistang tagakalap. Sa paligsahan para sa mga puso at isipan ng mga hindi pa nakapagpili ng panig, puwede lang makatulong na ipakilala na iba ang ating mga mungkahi para pagbabagong panlipunan sa mga isinulong ng mga Stalinista at iba pang mga awtoritaryan.
Sa loob ng mga popular na pakikibaka tutol sa kapitalismo, karahasan ng estado, at pasismo, dapat nating bigyan ng pantay na bigat sa pagitan ng mga iba’t ibang mga bisyon ng kinabukasan. Ang hindi paggawa dito ay nangangahulugan nagpapalagay ng maaga na matatalo tayo bago makabunga ang mga bisyon na ito. Ang mga anarkista, mga Menshevik, mga Rebolusyunaryong Sosyalista, at iba pa ay natutunan ito sa mahirap na paraan pagkatapos ng 1917 na ang pagpabaya sa paghahanda sa pagkapanalo ay mas nakakapinsala kaysa magpabaya sa paghahanda sa pagkatalo.
Ang magandang balita ay ang mga rebolusyonaryong kilusan ay hindi kailangan maging katulad ang resulta sa Rebolusyung Ruso. May iba pang paraan.
Sa halip na hangarin ang kapangyarihan ng estado, puwede tayong magbukas ng mga lugar na pangawtonomiya, tinatanggal ang pagkalehitimo sa estado at pagbuo ng kakayahan para direktang matugunan ang mga pangangailangan natin. Sa halip na mga diktadura at mga hukbo, puwede tayo makagawa ng patuloy na lumalaki na kaugnayan para mapagtanggol ang isa’t isa laban sa kahit sino na may gusto na magkaroon ng kapangyarihan sa atin. Imbes na tumingin sa mga bagong puwedeng kumatawan para masolusyunan ang mga problema natin, puwede tayo makagawa ng samahang pangordinaryong tao na nakabase sa kusang loob na kooperasyon at pagtutulungan sa isa’t isa. Imbes na mga ekonomiyang hawak ng estado, puwede tayong magtatag ng mga bagong uri ng kabuhayang kapwa-pinamamahalaan ng mga tao na nakabatay sa pagtutulungan at pahalang na pagdedesisyon.. Ito ang anarkistang alternatibo, na nagtagumpay sana noong mga 1930 kung hindi lang tinapakan ni Franco sa isang banda at ni Stalin sa kabilang banda. Mula Chiapas at Kabylia hanggang Atenas at Rojava, lahat ng mga kilusan at pag-aalsa na nakakapagbigay ng inspirasyon sa mga nakaraang tatlong dekada ay sinaklaw ang mga sangkap ng modelong anarkista.
Ang mga tagataguyod ng mga estadong solusyon ay nagpapahayag na sila daw ay mas mahusay, pero ang tanong ay—saan sila mas mahusay? Walang mga maigsing daan para sa pagpapalaya; hindi siya puwede ipataw mula sa taas. Kapag may pakay tayo na makagawa ng tunay na pagkapantay-pantay, kailangan natin makipagsama sa paraan na sumasalamin nito, ang pagdedesentralisa ng kapangyarihan at pagtanggi sa lahat ng uri ng herarkiya. Ang paggagawa ng mga lokal na proyekto na may kakayahan na magtugon ng agarang pangangailangan sa pamamagitan ng direktang kilos at pakikisama, inuugnay sila sa pandaigdigang antas, puwede tayo kumuha ng mga hakbang pababa ng daan papunta sa mundo na walang kahit sino ang puwedeng mamuno sa kahit kanino. Ang klase ng rebolusyon na gusto natin ay hindi mangyayari sa isang gabi; ito ay patuloy-tuloy na proseso ng pagwasak sa lahat ng konsentrasyon ng kapangyarihan, sa abot ng lokal hanggang sa Palasyo ng Malacañan.
Habang ang mga krisis ng ating panahon ay lumalala, ang mga bagong rebolusyunaryong pakikibaka ay tuluyan ng puputok. Ang anarkismo lang ang mungkahi para sa rebolusyunaryong pagbabago na hindi pa minantsa ang sarili ng dagat na dugo. Bahala na tayo para baguhin ito para sa bagong milenyo, sana hindi natin maulit ang mga nangyari sa nakaraan.
Puwede ang Estado magpakailanman, dinudurog ang indibidwal at lokal na buhay, sinasakop ang lahat ng larangan ng gawain ng tao, sinasama nito ang kanyang mga digmaan at kanyang mga lokal na paghihirap para sa kapangyarihan, ang kanyang mga palasyong rebolusyon na pinapalit lamang ang isang tirano para sa isa pa, at tiyak sa huli ng pangyayaring ito mayroong…kamatayan!
O ang pagkawasak ng mga Estado, at ang pagsimula muli ng bagong buhay sa libo-libong mga sentro sa prinsipyo ng masiglang pangunguna ng mga indibidwal at grupo sa malayang kasunduan na iyun.
Nasa sa’yo ang desisyon!
-Peter Kropotkin, The State: Its Historic Role [Ang Estado: Ang kanyang tungkulin sa kasaysayan]
Mayroong pang panitikang anarkista sa Tagalog at Bisaya sa Aklatan Anarkista at sa Bandilang Itim.